Chitika

Wednesday, February 16, 2011

Kulubot (Tagalog Version ng Kiritikot)


(Orihinal na isinulat sa salitang Bikolnon: Kiritikot (Bikol)


Kulubot na ang aking utak
Kabubuklat ng mga aklat
Kaaaral ng katakot-takot
Mga pilosopiya at kaalamang binalot
Ng mga lupang naging bato
Tila ipinupukpok sa aking ulo
Hindi ko na nga alam kung ano ang totoo
Kung sino ba ang baliw at matino
‘pagkat sambit ng bawat isa
Na nasa kanila ang tama.

Kulubot na nga aking buhok
Utak ko rin ay nakikilahok
Sa walang tigil na kabibilang
Ng mga kahayupan ditto sa mundong ibabaw
Pati nga ito’y nakakalito na
‘Pagkat ‘di na mawari kun ano ba talaga
Pagkat may hayop na totoo
At may nagpapakahayop rin na tao
Ay ewan, ang hirap na talaga
Minsan pati ako’y napapabilang na.

Kulubot na pati ang aking paningin
Minsan para na akong naduduling
‘Pagkat kahit hatinggabi na
Namumulakog pa aking mata
Minsan pa’y dumadagundong
Ang tiyan ko na walang baon
Ang sinusulat ng propesor naming
Kulubot na mami sa aking paningin
Salita pa ng salita sa unahan
Ulit-ulit din naman
Mabuti na lamang sa pagtatapos ni Ma’am
May tinda siyang suman.

Hay! Pati kilay ko’y kulubot na rin
Kaya hindi na gwapo pagtingin sa salamin
Tinalo ko pa ang isang kwago sa kweba
‘Pagkat sa umaga’y nakakapagpahinga
Ala-singko, ako’y gumigising
Para isangag ang tirang kanin
Na tatlong araw nang nasa kaldero
Subalit buti na ‘to kaysa ang tiyan tila kumukulo
Sasabawan ko na lamang ng kape
Para hindi maremate.

Hay! Kawawa naman ng mata ko
Hindi na kinakaya ang eyebag ko
Hay! Paano na lamang ang aking mga humahanga 
Kung inaantok ako tuwing umaga
Mabuti na lamang nand’yan si mommy (daw)
Na nagsasabing “Gwapito talaga itong aking iho.” (Ano daw?)
Ayy! Mabuti na lamang ang maniwala kay motherhood
Pampalakas man lamang ng tuhod
“Sige lang, mag-aral ka lang, nonoy,
‘Pagkat bukas, aangat ka rin, ‘noy.”

Mahirap talagang maging estudyante nangungulubot
Pero mabuti na ito kaysa mangulangot
Kaya lamang kahit numerong walang patunguhan
Binabakas pa ang dinadaanan
Kaya naman numero sa aking bayaran
Pinoproblema ko na naman
Saan ako niyan pupulot
Kun pwede lang magpa-init at mandukot
Kaya lang sayang naman ang aking pinag-aralan
Kun gagamitin ko lang sa kagaguhan
“Kaya sige lang, magpatuloy,
Makakatapos ka rin, nonoy.”

Mabuti na lamang at may trabahong napasukan
Ayos na ito, kaysa manlalampaso lamang
Makatulong lang sa aming pawid
Onse na kaya kaming magkakapatid
Sa lagay na iyan, buntis pa si “mommy” ngayon
Nagbabakasakaling magka-babae
Lahat na kasi kami mga makinain na lalaki
Kaya kun lalaki na naman, ulit ang pagbakasakali
Hay! Mahirap talagang tumira sa mansion ng big family
Na kahit pang-kendi ay walang pambili.

Ayy! Ewan ko na lamang, ang tagal kasi ng taon
Natatakam na ako sa matamis na hamon
Hindi ko pa nga tapos ang aking tesis
Ulit-ulit na ako, ilan nang beses
Boarding house ko nga tila na bird’s nest
Nais ko nang pagsisipain makukulit na ipis
Kailangan talagang magpursigi
‘Pagkat kung hindi, sino ba ang lugi
Kung wala kang toga sa huli
Hindi ka naman makaiyak, sorry na lang ‘pare!

Kaya tuloy lang ang pagtyatyaga
Sa pag-aaral magseryoso ka
Tiyaga lang, tama sila
‘Pagkat bukas mayroon ka nang nilaga 
At ang mga pawis na tumulo sa iyong katawang napiga
Bukas, libo-libong sako ng bigas sa bodega
Basta ‘wag ka ring makalimot sa taas
Manalangin ka rin oras-oras
Para ang buhay mo ngayong kulubot
Bukas, tuwid na ayon sa iyong nais maabot
At ang buhay mo ngayong kulubot
Makapabago rin ng ibang buhay na nanlalambot.


  

No comments:

Chitika (Your Help in Searching)

Popular Posts

My Blog List

My Favorites Books, Author, Movies

  • Paolo Coelho
  • The Alchemist
  • The Passion of Christ
  • Tuesdays with Morries
  • The Little Prince