Chitika

Wednesday, February 16, 2011

Sarimao (Tagalog)


(Orihinal na naisulat sa salitang Bikolnon: Sarimao (Literaturang Bikolnon)

Nasisilakad muli ang mga sarimao
Sa gitna ng gabi nitong bagong araw.

Nagbabaga ang kanilang poot sa dibdib
Dahil sa nananalaytay na katarungang may sanib.

Kaya labis-labis ang init ng sigaw
Ng mga nagtatagong matapang na sarimao.

Sa mga tagong lugar ng isang malungkot na kabundukan
Mga hinaing ay umaalingawngaw.

Noon sila ay napalayas sa Ibalong.
Ng makatarungang upuang-nipa ni Handyong.

Muli sila ay bumabalik sa pag-aksyon
Habang ang hustisya ay humuhilik ngayon.

Seryoso nga nilang minamatyagan
Ang isang Handyong ngayon na pumapangit ang larawan.

Nawala na ang kanilang paniniwala
Sa gobyernong nakahiga at balewala.

Mas matimbang na ang papel na de numero.
Kumpara sa maluwalhating hininga ng tao

Subalit ang katulad na batas na biko-biko
Sa kamay rin nila pinalago.

Mga pumapalag na dugo ng pagganti
Pinapaagos sa talim at apoy na mahapdi

Naglaganap ang mga patayan sa bayan
At kung sino na lamang ang sinalaan

May mga salamin sana sila sa mata
Subalit ang pagkabulag nila ay sobra

Mga dukha na walang-wala na at mahihina pa
Lagi pang talunan at kinakaya-kaya.

Walang pagmumuni-muni sa kanilang mga mali
Pinapanindigan na tama ang bawat sarili

Nakakalungkot isipin na maraming namamatay
Sa pag-aayos ng minamahal na bayan.

Ang kawalan ng kabutihan ay mananatili
Kung magpapasaway rin pati ang mga mabuti.

Bakit hindi magawa ang pagkakaisa dito
Ng mga magkakapatid at magkakadugo?

Bakit hinahayaang magpatuloy ang galit sa dibdib
Kung maaari namang baguhin ng pag-ibig?

Makakamtan ang tunay na paraiso
Depende sa mga gawa ng tao.

Pakitandaan na sa katapusan ay darating
Ang pinakamakatarungang tagahatol natin.

Subalit hindi dapat mangamba ang mundo
Kun nabubuhay ang kabutihan sa bawat puso.

  

No comments:

Chitika (Your Help in Searching)

Popular Posts

My Blog List

My Favorites Books, Author, Movies

  • Paolo Coelho
  • The Alchemist
  • The Passion of Christ
  • Tuesdays with Morries
  • The Little Prince