(Orihinal na isinulat sa Bikol: Diklom sa Diklom (Bikol)
Isang madilim na panahon
Bumabagsak ang mga karayom
Kaitaasan dumadagundong
Mga kuryente’y inihuhulog
Na pilit humahati sa gabi
At kindat ng umaga ang sumasagi.
At sa isang dako naman
Nagbubuhol ang isang nilalang
Ng mga tumatagos na sakit
Na naiihaw sa kanyang dibdib
Isip at laman n’ya’y nabubugbog
Kun pwede nga lang ipaagos sa ilog.
Bigla namang paningin n’ya’y nagdilim
Inilabas ang dala-dalang talim
Pinaharurot sa pulsong nanlalambot
Habang lumuluha ang matang malungkot
Ang naghihingalong dugo’y bumuhos sa lupa
At napatid naman ang matamis na hininga.
Pagkatapos ng gabing nilakbay
Tumila na ang ulang malumanay
Ngunit nakahandusay pa rin ang isang nilalang
Luha ay nagbaha mula sa mga nagmamahal
Umakyat naman ang araw sa kaitaasan
Matamis na ngumingiti sa gitna ng kaliwanagan.
No comments:
Post a Comment