Sa aklat na ito, ating papakialaman ang Tala ng Buhay (Diary) ni Gilberto P. Manansala na mas kilala sa tawag na Galo – labing-anim na taong gulang. Nagsimula siyang magsulat ng kanyang diary bilang requirement niya para makapasa sa kurso kay Gng. Lao. Nagsimula ang sulating ito sa araw ng Linggo, ika-27 ng Setyembre, 1998. Nagsimula ang kwento sa isang panaginip na siya rin ang naging daan patungo sa hulihan ng kwento.
Napakasimple ng mga unang tala ni Galo. Ika nga, isang tipikal na buhay-estudyante ngayon. Aral, barkada, tambay, lovelife at hurtache. Sa unang bahagi, halos himutok niya tungkol sa biglang pag-iwas sa kanya matapos ang isang taon at pitong buwan na pagsasama nila ni Andrea (Lim Maniego) ang mababasa natin. Ang maaaring iba nga lang kay Galo sa ibang teenager, pinapaaral siya ng kanyang tiyuhin sapagkat matagal na siyang nawalay sa kanyang mga magulang. Dahil dito, bilang kapalit, tumutulong siya sa mga gawaing-bahay at kahit sa paglilinis ng bahay ni Clinton – alagang aso nina Tiyo Dindo.
Pinagpatuloy pa rin ni Galo ang pagsusulat kahit tapos na itong maipasa. Ikwinento nya ang kanyang mga araw sa eskwelahan at bahay ng kanyang Tiyo.
Hanggang isang araw, huling araw ng Disyembre, 1998, may tumawag muli tungkol sa pangpapauwi kay Galo sa probinsya. Mga bandang Nobyembre pa lang kasi, ibinalita ni ng kanyang Tiya Auring na may sakit daw ang kanyang lola – Josifina Cleopas Padua.
Sa pagpatak ng taong 1999, Year of the Rabbit, nagsimula rin ang bagong yugto ng kanyang buhay. Ika-12 ng Enero, umalis siya sa bahay ng kanyang Tiya Auring ng walang paalam (pero alam naman nila na aalis talaga siya pauwi). Dumating siya sa Tarmanes pasado alas-kwatro ng hapon, ika-14 ng Enero na may bahagyang pagkagulat sa pisikal na pinagbago ng kanyang lola dala ng katandaan. Kinamanghaan niya din ang itsura ng bahay sapagkat kahit matanda na, halatang alagang-alaga ito. Ang kinagulat niya lang, ang mga dating binabasa niyang Reader’s digest ay wala na at ang mga pumalit ay mga rebulto at imahe ng mga santo na halos ka-tao ang sukat. Nandiyan ang Nazarenong Nakahiga at Holy Trinity. Meron ding Justicia, Florencia, Inocencia at mayroon pang krus na babae ang nakapako. Ang weird pa dito, pinalalagyan ang altar ng masasarap n kakanin sa platito araw-araw bilang alay daw sa mga poon.
Halos naging normal na sa kanya ang makarinig ng mga yabag ng paa, ngumunguyngoy at mga hikbi na parang umiiyak. Hanggang sa madiskobre niya na gawa lng pala iyon nina Niko at Jezel, mga anak ni Tinay na dati namang katu-katulong ng kanyang lola. Sila din ang taga-ubos ng kakanin sa altar. Itong si Jesel ay may espesyal na kakayahan – third eye.
Nagpatuloy pa ang mga araw ni Galo sa bahay ng kanyang lola. Nasaksihan niya na rin ang tuwinang pagtitipon ng grupo ni lola. “Marami sila, puno ang bahay, siguro abot sila ng singkwenta. Karamihan baae, matatanda, nakasuot ng violet na baro na abot hanggang tuhod; may sinturon na parang tinirintas na lubid na kulay yello-orange... Kakaiba yung rosary nila kasi parang may iba silang idinadagdag na hindi mo maintindihan... May sampung taong bumubuhat kay Lola habang kumkanta: tig-iisa sa magkabilang braso, tagiliran, hita, binti; tapos isa sa ulo, isa sa paa. Idinuduyan nila si Lola na parang ihahagis sa altar... Sobrang panatiko ni Lola, para na talaga silang kulto. Tapos andami pang nag-iiyakan, sigaw ng sigaw: “Mama! Mama!” ...”
Ika-30 ng Enero, napagtripan basahin ni Galo ang Librito ni Lola. “Kataas-taasang Iglecia Santissima ng Kapatirang Banal na Sansinukob” [pala ang tawag sa samahan nila]. Sa Librito na ito nakasulat ang mga Oracion (dasal), ang oras at lugar ng Pagtitipon at maging ang paraan ng Pagsasalu-salo. “Nag-uumpisa sila ng 3:00 hanggang 4:30 ng madaling araw. Yung Friday ang big day, dito sila nagkikita-kita. Meron din pag Tuesday pero sa bahay naman ni ‘Delia Gerella’ ang venue... Sa Librito ko lang din nalaman na tuba pala ang pinagpapasa-pasahannilang inumin sa kalis pagkatapos nila sumubo ng maliit na piraso ng palawan... Iba-iba ang ginagawa nila linggo-linggo. Sa unang Biyernes ng buwan, meron silang ‘Pagsisisi’; sa 2nd week, ‘Paglilinis’; sa 3rd, ‘Paghahanda’; sa huling Biyernes, ‘Pagpupuri’.”
Ika-8 ng Pebrero, ipinakita nina Jezel at Niko kay Galo ang isang garapon na may lamang tubig-dagat at mga nangingitim na medalyon, nakababad doon ang pangalan niya. Hindi niya batid kun anuman ang dahilan. Subalit mas pinagtakhan niya ang mga nasabi nila tungkol sa kanyang lola at sa mga kaibigan nito. “Hindi sya lola.” Marami din nakikita si Jezel na hindi nakikita ng sinuman, yun ang sinasabing nilang Mga Kaibigan ni Mama Susan.
“Hindi sa akin nanggaling si Melissa. Hindi mo na ‘ko tatawaging Lola. Ang nasa harap mo ay si Mama Susan.”
Ang bahay ni Mama Susan na ang naging kapelya ng San Ildeponso. Naging bahay burulan lalo pa ng dapuan ang bayan ng isang epidemya at marami ang namatay. Tinalikuran na ng Simbahang Katoliko ang simbahan doon dahil sa paglabag nito sa aral ng Kristiyanismo. Tinalikdan na rin nila at teknolohiya at pagbabago. Hindi na nila kinikilala ang kapangyarihan ng gobyerno. Kaya ang “Kapatiran” na ang naging kaagapay ng mga tao. At ang bahay ni Mama Susan ang naging sentro nito na tinuturing na nilang templo.
Sa bahay ni Mama Susan, hindi lang mga tao ang naninirahan. Mayroon ding mga nilalang a nakikita ng iilan lamang at isa na dito si Jezel. Ang mga nilalang na ito ay tinatawag niyang ‘Mga Kaibigan ni Mama Susan’.
Ika-15 ng Marso, pinuntahan ni Galo ang isang kwarto sa itaas katapat ng kapelya sa iba. Dito nya nakita ang labindalawang estatwang nakapalibot sa mahabang mesa. Halos kinilabutan siya habang naroroon. Doon nya rin natagpuan ang garapon na kinalalagyan ng kanyang pangalan na may sindi pa ang kandila. At higit sa lahat, naroon din ang mga ribbon na ginamit sa burol ni Josefina Cleopas Padua – si Mama Susan.
Kinagabihan, tumulak siya paalis ng bahay. Ngunit, nakatunog na rin pala si Niko kaya sumama ito at ginising si Jezel. Subalit, hindi nila nagawang makaalis sapagkat takot na takot si Jezel sa kidlat at wala naman silang ibang mapuntahan kaya bumalik na lang sila sa bahay ni Mama Susan.
Ika-20 ng Marso, magtatatlong araw ng hindi gumagalaw si Mama Susan. Nakahiga sya sa kama, suot ang violet na baro ng kapatiran. May tatlong Kapatid na nakaluhod sa gilid nya na nagdarasal. Sumasanib daw sa kanya ang Señora ng Santinakpan. Tinanong niya si Galo kun naririnig ang mga tinig ng kanyang mga kaibigan. At sinabi lahat ni Mama Susan ang lahat ng masasamang bagay ng nilalaman ng nakaraan ni Galo, mula sa pagnanakaw niya sa kanyang mga kamag-aral at kamag-anak hanggang sa batang ipinalaglag ng dalagang binuntis niya.
Biyernes Santo, ika-26 ng Marso, sinasabi nilang patay na si Mama Susan. “Nagpapahinga na si Mama Susan. Wag mo syang iiwan.”
Madaling araw ng Sabado Santo, nagising siya at narinig an pagtawag sa kanya ni Mama Susan. Nakaupo sa kama at nakakapanindig-balahibo ang itsura. Bumubulong na lang si Galo ng dasal sa labis na takot. Subalit pinipigilan lamang sya ni Mama Susan. Naroon din si Jezel na labis na ring natatakot sa kanyang nakikita. “Kuya, may maitim na lolo.” Bumaba sila ng hagdan sa sobrang takot hanggang sa makarating sila sa kwarto ni Galo. Doon nya na lang naramdaman na tuluyan ng naputol ang kanyang hinliliit sa paa na nasugat noong magbalak silang tumakas.
Kinahapunan, nagising na lamang siya na wala si Jezel at nilalagnat. Bukas ang kanyang kwarto at nakatingin ang tatlong miyembro ng kapatiran. Sa labas ng kwarto nakita nya na punung-puno ang kapelya at nasa gitna ang katawan ni Mama Susan na napapalibutan ng bulaklak at garapong may lamang tubig at papel. Nagkakantahan at nagrorosaryo ang lahat. Habang kinakatok ng ilan ang pinto ni Galo. Patuloy niyang isinusulat ang kanyang diary habang nagaganap ang nakakakilabot na mga katok at tawag sa kanya. Patuloy rin ang kanyang dasal habang napapansin niyang may mga titik na nadadagdag sa kanyang diary na hindi na siya ang nagsusulat...
“Isusulat ko sa harapan bibigkasin hindi mo dumarating mabubuhay na magmuling kordero Isusulat... Me luminibus nocte exstinctis omnino videbis. Tibi soli semper adero. Nos una in aeternum coniuncti erimusaAngs umulat nitoay sa akin. Ang nagbabasa nitoay saakin. Ik a w ay pinili. N araramdam an mo ba angm a higpit nayakap sa iyonga yon ng isangka ibigan?”
3 comments:
ano ung ending nun?d ko tlga ma getz :D
Thanks for the comment.
We had the same question as I read this book of Bob Ong. But the next question I asked, "what kind of story this 'Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan' is?" Because I think, this is written as an open-ended kind wherein Bob Ong is leaving the ending in us. Or probably, Bob Ong is thinking of the sequel of this book. I am afraid if I could not answer you the exact ending of the story 'coz the nearest possibility of the answer is within us (on every reader) as Bob Ond make this as an open ending plot.
Thanks! Hope to see your others comments again on my blog though as an anonymous.
sa tingin ko. Namatay si galo sa huli... (hahaha,, (pagkatapos kong mabasa yan, dahil masakit na leeg ko kakabasa, napatingin ako pataas, pag tingin ko. Alam kung ano nakita ko?? Krus sa taas ng simbahan... Ayun, pinagdasal ko kaluluwa ni Galo kung ano man ang nangyari sa kanya at kung totoo nga ba ang kwento na yan, kasi diba nabanggit niya na sa nakababasa nito, sana'y ipanalangin ang kanyan kaluluwa kung ano man ang mangyari sa kanya.. (ganun yata... 3rd year High school ko pa kasi nabasa yan eh.. Mga feb o march :) ) hindi ba babasahin yung hindi sa hulihan.. Kasi sa harapan wag daw basahin yung hindi...??)
Post a Comment