Chitika

Wednesday, February 16, 2011

MAPAG-ALSANG PUSO

Grabeng lamig!
Hindi ko kaya…
Nandito na nga ako sa isang tabi.
Nakasuksok.
Nakatikom ang katawan.
Balot na balot na nga ako.
Pero ‘ramdam ko’y hubo’t hubad ako.
Grabeng lamig talaga.
Tumatagos hanggang buto.
Pati tuhod ko’y nangangatog.
Grabe pang bilis ng tibok ng puso ko.
At ang lakas na parang kinakalabog ang aking dibdib.
Naririnig ko pa nga.
Parang kalooban ko’y nabibingi.
Bog! Bog! Bog!
Lakas talaga!
Bakit kaya?!
Para akong kinakabahan
Pati nga paghinga ko’y apektado.
Kinakapos.
Parang ang hangin ay ginagapos.
Nakaupo lang naman ako.
Pero para akong pagod na pagod.
Kaya lang isip ko’y hindi mapakali.
Kaya rinamdam ko muli…
Kung ano bang nais iparating…
Nang kaguluhan sa kalooban.
Hanggang sa maramdaman ko.
Nasa puso ko pala’y…
May isang damdaming nakatago…
‘Di mailabas…
“Di maisabi…
Dahil nahihiya ang bibig…
Dahil nababato ang katawan sa pagkilos…
Kaya nagmistulang tibok…
Na nais pumakawala…
Sumabay pa sa lamig ng simoy ng hangin ngayon…
At sa sobrang lamig,
Ang tibok na ‘yon ay nagmistulang yelong
Nagpapabigat sa aking damdamin…
Mahirap talaga ‘pag puso’y pinigilan…
At taguin ang tunay na nararamdaman…
Dahil gagawa ito ng paraan…
Na ika’y pasakitan…
Isang pag-aalsang lalaban sa iyong sarili.
Paulit-ulit, paulit-ulit…
Hanggang sa maramdaman mo…
Ang galit ng iyong puso sa iyong sarili…
Dahil inalisan mo siya ng kalayaang…
Magpahayag!!!
Paulit-ulit, paulit-ulit.
Hanggang maramdaman mo…
Ang pag-agos ng lamig sa iyong pisngi,
Pag-agos ng lungkot,
Pag-agos ng pilit-kumakawalang damdamin,
Pag-agos ng sakit, at…
Pag-agos ng hinanakit,…
          Hinanakit ng sarili sa sarili, at…
                   Hinanakit dahil sa kawalan ng pagkilos.
 Paulit-ulit, paulit-ulit.
Hanggang sa makita mo ang iyong sarili…
          …ang iyong sarili
                   …ang iyong sarili
                             …na lumaban para sa kanyang nararamdaman…

  


No comments:

Chitika (Your Help in Searching)

Popular Posts

My Blog List

My Favorites Books, Author, Movies

  • Paolo Coelho
  • The Alchemist
  • The Passion of Christ
  • Tuesdays with Morries
  • The Little Prince