(Kaibigan, sana mabungkal mo ang tunay kong damdamin na nais iparating. Umaasa ako, kaibigan!!!)
Kaibigan,
Dahil sa pag-ibig
Nais kong ibahagi ang abot-langit kong nararamdaman.
Hindi
Na nga kayang ipaliwanag ng mga salita na
Ako
Ay lubhang
Maligaya.
Labis-labis ang sarap ng pag-ibig. Di mo mapapansin
Ang sakit! Nais kong isigaw
Ang umaapaw kong kasiyahan
Mula sa kaibuturan ng aking puso.
Dito’y walang puwang
Ang sakit! Kung pwede lang
‘Wag nang matapos ang buhay ko. Tumigil n’ang lahat, wag lang
Tumigil ang tibok ng puso ko.
Lilipad na kami sa paraiso ng pag-ibig
Para makalaya na
Kami sa limitasyon ng mundo. Siya lang at
Ako sa
Lugar ng pag-ibig. Walang puwang doon ang
Pagluha at pangungulila.
Napakasaya ko talaga. Hindi
Ramdam ng puso ko ang pagsisisi
At kailanman ay di ako magsisisi
Dahil siya ang aking inibig
Kaya di ako nahihiyang isigaw na
Mahal na mahal ko siya!
Ramdam kong mahal na mahal niya din ako
Sa kabila
Ng aking mga pagkukulang at
Ng mga ipinaramdam
Ko sa kanyang mga kapalaluan. Tinanggap
Niya kahit masakit sa damdamin. Ngunit
Dahil sa tunay na pag-ibig, walang puwang ang poot.
Di ko maitanggi sa sarili ko
Na tunay ngang mahina ako. Swerte ko nga, tanggap niya ako.
“:Kailangan ko siya dahil mahal ko siya.” Ngunit
Gusto ko ding ipagmalaki niya ako kaya
Babawi ako!
Magbabago ako para sa kanya.
Nais kong malaman mo, kaibigan na walang kasing sa-
Ya ‘pag kasama ko siya. Ligaya at ri-
Kit ang dulot ng pag-ibig niya. Bwe-
Nas nga ako sapagkat nararamdaman ko ito. Parang pan-
Sit ang pag-ibig
Nakakapahaba ng buhay.
Di ko na kaya
Na mabuhay na wala ang pag-ibig at
Ang ipinaparamdam niya sa akin
Na wagas na pagmamahal.
Natatakot na akong
Mawala pa siya sa akin. Ayaw ko nang
Umibig pang muli.
Ang isang “siya” ay sapat na sa akin.
Ayaw ko na kaibigan
Na humanap pa ng iba.
Ang pag-ibig na ito ay pinapa-
ngalagaan ko ng husto. Noon pa man, ito ay hin-
tay ko na
at ngayo’y laking ligaya ko nang dumating siya
sa buhay ko.
(Tapos niyo na bang basahin? Paano ka nakiisa sa aking damdamin? Nakangiti ba o may bahid nang lungkot? Paki-usap basahin mong muli sa paraang puso ko na ang kausap mo.)
(Basahin sa paraang una ang pangalawa at salit-salitang daanan ang mga salitang itinakip lamang.)
(Paki-usap, huwag nang baguhin ang dating anyo. Nariyan nakasalalay ang tunay na kahulugan ng liham na ito.)
2 comments:
isang madamdamin nga...it's okay, love hurts.
thnx for the comment. isa ka ngang kaibigan kung nakuha mo an tunay na nilalaman ng tula. hehe. Tnx.
Post a Comment