Chitika

Sunday, February 6, 2011

Sa Tapat ng Banal na Sakramento

Narito po ako,...
Ngunit wala po akong maisip na sabihin.
Ayaw ko pong gamitin ang isip ko,
                Sa pag-iisip ng magagandang salita para purihin Ka.
Buksan Niyo na lang po ang puso ko,
                Dahil magtatapat ito ng totoo.
Ang nais ko lamang po,
                Ay malaman Ninyong ako’y narito.
Nais ko pong samahan ka,
                Sa Iyong pag-iisa
                Tulad ng Iyong ginagawa
                Sa aking pangungulila.
Ang titigan Ka ay sapat na sa akin
                Dahil alam kong Ika’y nakatingin rin
                At ang ngiti Mo’y labis na nagniningning.  

                       

         Agosto 23, 2006


1 comment:

yanzkie said...

sincerely nice..... it seems you really miss having the holy hour and being with Him in silence.

Chitika (Your Help in Searching)

Popular Posts

My Blog List

My Favorites Books, Author, Movies

  • Paolo Coelho
  • The Alchemist
  • The Passion of Christ
  • Tuesdays with Morries
  • The Little Prince