Natapos nang basahin ang Lumang Tipan ng Diyos
At kinanta naman ang Alleluia ng korus
Pagkatapos binasa ang Banal na Ebanghelyo
Doon sa ambong kumikintab ng tulad sag into.
Pagkatapos nagbigay ng konting silensyo
Saka sinimulan ang homiliya ng ebanghelyo
Ang Alter Christus nangaral doon sa pulpito
Naiibabawan ng ilaw ng Espiritu Santo.
An puso ng mga parokyano kinausap
An Salita ng Diyos doon muli isinulat
Upang maitatak sa puso ang kalooban Niya
Kabanal-banaling niyakap ng pagmamahal Niya.
Pagkatapos nagbigay ng konting silensyo
Saka dinalangin nang bukal sa puso ang kredo
Ang bayan nanalangin, sinimulan ang opertoryo
Saka ang mga tao nag-alay ng buong pagkatao.
Bago man natapos ang pagdiriwang na ito
Tinanggap niya ang Kabanal-banaling Katawan ni Kristo
“Tapos na ang misa, Humayo kayo,
At ipalaganap ang kapayapaan ni Kristo.”
Pagkatapos nagbigay ng konting silensyo
Saka binuhay niya ang mensahe ng ebanghelyo
Pinagpatuloy niya ang misa sa kanyang bayan
Na kanyang sinimulan sa altar ng simbahan.
Saka sinimulan ang homiliya na silensyo
Binuhay ang Katawan ni Kristo sa kanyang puso
Naiibabawan ng ilaw ng Espiritu Santo
Nag-aalay ng gawa na nagmumula sa puso.
Ang kanyang kapwa tao’y tinulungan
Kalooban ng Diyos ay kanyang binuhay
Upang masimulan ang siklo ng kabitihan
Inialay sa Panginoon na may pagmamahal.
Pagkatapos nagbigay ng konting silensyo
Nagpasalamat, nanalangin ang buo niyang pagkatao
Opurtunidad ng kabutihan pinanindigan
At inialay niya pa ang kanyang kalooban.
Bago man lamang nagpaalam ang araw na iyon
Naipahayag niya ang kaluwalhatian ng Panginoon
Natulog na mapayapa sa banal na paghili
Dumating ang umaga at siya ay nagsimba muli.
No comments:
Post a Comment